Matuto ng Forex Trading: Gabay para sa Pinakabaguhan

Matuto ng forex trading gamit ang aming pinahusay na gabay para sa baguhan. Alamin kung ano ang mga pares ng salapi, ano ang spread, mga lot, mga pip sa Forex, matuto tungkol sa pamamahala ng pera, mga pagkakamali na dapat pag-usapan, at marami pang iba! Makakuha ng mga pagtingin mula sa mga propesyonal na nakikipagpalit at matuto ng mga batayang gawain na lahat ng mga baguhan ay dapat matutunan upang matagumpay na makipagpalitan sa merkado ng pakikipagpalitan ng salapi (FX)!

Ano ang mga Pares ng Salapi

Ano ang mga Pares ng Salapi

Ang isang pares ng salapi ay ang pagpapares ng dalawang magkaibang salapi, tulad ng Euro at dolyar ng Estados Unidos, nakasulat bilang EUR/USD.

Ang mga nakikipagpalit na bumibili ng EUR/USD ay humuhula na ang halaga ng Euro ay tataas kumpara sa dolyar. Ang mga nakikipagpalit na nagbebenta ng EUR/USD ay humuhula na ang halaga ng dolyar ay tataas kumpara sa Euro.

Ano ang Pangunahin, Minor at Eksotikong Pares ng Salapi

Ang mga Pangunahing Pares ng Salapi ay ang mga pinakamadalas ipinagpapalit sa mundo, at ang EUR/USD ang pinakapopular sa lahat.

Ang 7 pangunahing pares ng salapi ay: 

ParesSalapiPalayaw
EUR/USD Euro (€) vs. US dollar ($)Fiber
USD/JPYUS dollar ($) vs. Japanese yen (¥)Gopher
GBP/USDBritish pound (£) vs. US dollar ($)Cable
USD/CHFUS dollar ($) vs. Swiss francSwissie
AUD/USDAustralian dollar (A$) vs. US dollar ($)Aussie
USD/CADUS dollar ($) vs. Canadian dollar (C$)Loonie
NZD/USDNew Zealand dollar (NZ$) vs. US dollar ($)Kiwi

Ang mga Minor na Pares ng Salapi ay ang mga hindi masyadong popular kumpara sa mga pangunahing pares ng salapit at hindi kasama ang dollar (USD). Ang halimbawa ng minor na pare ay ang EUR/CHF at GBP/JPY. Ang mga minor na pares ng salapi ay medyo liquid ngunit hindi katulad ng mga pangunahing pares ng salapi.

Ang mga Eksotikong Pares ng Salapi ay ang salapi ng isang bansang may umuunlad na ekonomoya tulad ng USD/RUB (Russian Ruble) o USD/MXN (Mexican Peso). Ang mga eksotikong pares ay labis na paiba-iba at mas mababa ang pagiging liquid kumpara sa mga minor kaya nagreresulta ito ng mataas na gastos sa transaksyon.

Subukan ang calculator ng kita upang malaman ang mga pares ng salapi at mga potensyal na kumita o malugi.

RebateKingFX - Calculator ng Kita sa Forex 
 
Mangyaring maglagay ng tamang numero

Mga Terminolohiya sa Merkado

Mga Terminolohiya sa Merkado

Tingnan natin ang mga pinakaimportanteng termino sa forex:

Presyo ng Ask a Bid – Ang presyo ng Ask ay ang presyo ng isang instrumento na maaari itong bilhin, at ang presyo ng Bid ay ang presyo ng isang instrumento na maaari itong ibenta. Ang presyo ng Ask ay palaging mas mataas sa presyo ng Bid, kung kaya ang bawat pakikipagpalitan ay nagsisimula sa pagkalugi.

Ang Spread sa forex ay ang pagkakaiba sa pagitan ng presyo ng Ask at Bid. Ang pagkakaiba sa presyo ito ay kung saan kumikita ang mga bangko, broker at tagabenta, dagdag pa sa mga komisyon na kinukuha.

Ang Swap rate o rollover rate, ay ang interes na dinagdag o binawas sa pagpapanatili sa posisyon ng isang salapi na bukas buong gabi. Ang negatibo o positibong swap rate ay nakakalkula kung ang posisyon ay dapat bumili o magbenta at ayon sa pagkakaiba sa antas ng interes para sa bawat salapi.

Ang Maiksi at Mahabang posisyon (Short & Long) ay tumutukoy sa pagbili o pagbenta. Kapag ikaw ay nabebenta ikaw ay pumapasok sa isang maiksing posisyon. Kapag ikaw ay bumibili ikaw ay pumaspasok sa isang mahabang posisyon.

Ang Bear at Bull market ay tumutukoy sa kung ang trend sa mercado ay siguradong pataas o pababa. Pababa ang presyo kapag bear market at sa isang a bull market ang mga presyo ay pataas.

Ang CFD ay ang pinaiksi bilang Contract for Difference. Ang mga produkto na ito ay nagbibigay daan sa mga nakikipagpalitan na magkaroon ng tubo o lugi ayon sa pagkakaiba ng presyo sa naging pagpasok o paglabas ng isang pakikipagpalitan nang walang pagkuha sa pagmamay-ari ng mga assets. Ang mga CFD ay popular sa forex, mga stock, index, at pangangalakal.

Ano ang Pip (presyo sa pagdaragdag)

Ano ang Pip (presyo sa pagdaragdag)

Ang isang Pip sa forex ay ang pinakamaliit na pagbabago sa presyo na maaaring mangyari sa isang pares ng salapi, maliban sa mga bahagi ng isang pip o isa 'pipette'.

Parra sa karamihan ng mga pares ng salapi, ang 1 pip ay 0.0001; para pares ng salapi kasama ang Japanese Yen tulad ng USD/JPY, ang 1 pip ay 0.01. Kapag nakikipagpalitan ng mga metal, ang 1 pip para sa Ginto at Pilak ay 0.01.

Kapag ang EUR/USD ay tumaas mula 1.0925 papuntang 1.0926, ang pagbabago ay 1 pip. Kapag sa ang presyo ay 5-digit, kapag ang EUR/USD ay tumaas mula 1.09255 papuntang 1.09260, ang pagbabago ay kalahating pip.

Ang halaga ng Pip ay nagbabago ayon sa pares ng salapi, gamitin ang aming calculator to upang madaling makalkula ang halaga ng pip.

RebateKingFX - Calculator ng Pip 
Mangyaring maglagay ng tamang numero
 
Mangyaring maglagay ng tamang numero

Ano ang Spread (gastos sa transaksyon)

Ano ang Spread (gastos sa transaksyon)

Ang spread ng isang instrumenting pinansiyal (stock, forex, atbp.), ay tumutukoy sa pagkakaiba ng presyo sa pagking ng presyo ng Ask at presyo ng Bid. Ang Spread ay isang tipo ng gasyos sa transaksyon, kasama ang mga komisyon kung mayroon man. Dahil sa spread, ang bawat pakikipagpalitan ay nagsisimula sa pagkalugi, dahil ikaw ay bumili sa presyo ng ask at nagbenta sa presyo ng bid.

Halimbawa ng spread sa EUR/USD:

 Presyo ng Bid Presyo ng AskSpread
4-digit na quote1.09281.09290.0001 = 1 Pip
5-digit na quote1.092521.092570.00005 = 0.5 Pips

Ano ang mga Lot (laki ng pakikipagpalit)

Ano ang mga Lot (laki ng pakikipagpalit)

Sa forex ang isang Lot ay tumutukoy sa laki ng pakikipagpalit, o ang bilang ng mga salapi na bibilhin o ibebenta sa isang pakikipagpalit. Ang isang Pamantayang Lot ay 100,000 unit ng batayang salapi.

Marami sa mga broker ay hinahayaan ang pakikipagpalitan ng mga bahagi lang ng lot hanggang .01 o mas maliit pa. Ang laki ng mga bahagi ng lot ay minsan tinutukoy na mga mini lot, micro lot at nano lot. Mangyaring tingnan ang litrato sa itaas para makumpara ang mga laki at mga unit.

 Subukan Ngayon! RebateKingFX - Calculator ng laki ng Posisyon: Kalkulahin ang tamang laki ng pakikipagpalitan ayon sa mga lot o unit ayon sa gaano karami ang kaya mong isugal.

Ano ang Leverage & Margin

Ang Leverage ay nagbibigay daan sa isang nakikipagpalit na makakontrol ng mas malaking posisyon gamit ang mas kaunting pera (margin) kung kaya napapataas nito ang mga tubo at lugi. Ang pakikipagpalit na may leverage ay tinatawag din na pakikipagpalit nang may margin.

Ang Leverage ay napapataas potensyal na mga tubo at lugi. Halimbawa, bumibili ka ng EUR/USD na 1.0000 at walang leverage, upang tuluyang malugi, ang presyo ay dapat na umabot ng zero, o hanggang 2.0000 upang dumomble ang iyong puhunan. Kung ikaw ay nakipagpalitan gamit ang buong 100:1 na leverage, ang pababago ng presyo na 100 beses na mas kaunti ay magreresulta sa parehon tubo o lugi.

Ang Margin ay ang kapital na dapat mayroon ang isang nakikipagpalit upang makapagbukas ng bagong posiyon. Ito ay hindi isang bayad o gastos na binibigay muli pagkatapos isara ang pakikipagpalitan. Ang layunin nito ay para maprotektahan ang broker mula sa pagkalugi.

Kapag ang margin ng nakikipagpalit ay nalugi hanggang sng hanggang sa mababa sa tinukoy na porsyento ng paghinto, ang isa o lahat ng bukas na posisyon ay awtomatikong isasara ng broker. Ang isang margin call na paalala mula sa broker na maaaring sumunod pagkatapos ng pagpapalit na ito.

Paano Gumagana ang Leverage

Mula sa 100:1 na leverage ang isang nakikipagpalit ay maaaring magbukas ng posisyon na 100 beses na mas malaki kaysa sa magagawa nila nang walang leverage. Halimbawa, kung ang halaga ng pagbili ng 0.01 lot ng EUR/USD ay kadalasan ay $1000 at ang broker ay nag-aalok ng 100:1 na leverage, ang nakikipagpalit ay kailangan lamang ng $10 bilang margin. Siyempre, ang nakikipagpalit ay maaaring gumamit ng gaano katas na leverage na gusto niya.

Babala: Ang mas mataas na leverage ay mas mataas na panganib. Marami sa mga propesyonal ay gumagamit ng mababang ratio ng leverage, o maaaring wala, at katamtamang porsyento ng panganib sa bawat pakikipagpalit.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa leverage, tingnan ang aming artikulo na Ano ang Leverage sa Forex at Paano ito Gamitin.

Upang makalkula ang kailangang margin batay sa laki ng pakikipagpalit at leverage, gamitin ang aming Calculator ng Forex Margin.

Ano ang Pamamahala ng Pera

Ang pamamahala ng pera ay ang mga batas na maaaring makatulong sa iyo na protektahan ang iyong kapital at makatulong sa iyo na palakihin ang iyong account sa pakikipagpalitan.

Ang pinakaimportanteng batas ay isugal lamang ang maliit na bahagi ng iyong account nang paisa-isa. Sa pamamagitan nito malalampasan mo ang mga sunod-sunod at hindi maiiwasang mga pagkatalo. Kadalasan, marami sa mga nakikipagpalit na isugal lamang ay 2%, o mababa pa, sa bawat pakikipagpalitan.

Ano ang Drawdown

Ang drawdown ay ang pagbawas ng capital mula sa mataas na equity papunta sa mababa, na madalas ay ipinapakita bilang isang porsyente. Ang maximal drawdown ay tumutukoy sa pinakamalaking drawdown na natamo o naranasan ng account.

 Subukan Ngayon! 

RebateKingFX - Calculator ng Panganib na Malugi: Kalkulahin ang probabilidad ng drawdown ayon sa panganib sa pakikipagpalit, antas ng pagkapanalo, atbp.

RebateKingFX - Calculator ng Drawdown: Kalkulahin ang epekto ng drawdown ayon sa serye ng mga magkakasunod na talo.

Ano ang Mga Tsart ng Candlestick

Ano ang Mga Tsart ng Candlestick

Ang isang candlestick bar ay binubuo ng katawan (body) at mababa at mataas na wick, na kumakatawan sa presyo ng Bukas, Mataas, Mababa, at Sarado (OHLC) ayon sa isang ispesipikong panahon mula sa 1 minuto hanggang 1 buwan.

Kung ang presyo ay bumaba at nagsara nang mababa candlestick ay magiging kulay pula; kung ang presyo ay tumaas at nagsara nang mataas ito ay magiging kulay berde.

Upang makita kung paano gumalaw ang mga tsart ng candlestick charts in action, tingnan ang aming libreng Tsart ng Forex.

Para sa mga karagdagang impormasyon sa mga pattern ng candlestick tingnan ang aming kumpletong artikulo na Patterns ng Candlestick sa Forex: Isang Kumpletong Gabay.

Ano ang Teknikal na Pagsusuri

Ano ang Teknikal na Pagsusuri

Ang Teknikal na Pagsusuri ay ang pag-aaral ng paggalaw ng presyo upang matukoy kung dapat bumili o magbenta ng asset at sa anong presyo.

Ito direktang ginagawa tsart ng presyo ng asset, sa tulong ng mga teknikal na pantukoy tulad ng RSI o MACD, o gamit ang iba pang mga kagamitan tulad ng support/resistance, mga Fibonacci retracement, o mga kombinasyon nito.

Ang mga matagumpay na nakikipagpalita ay nagpapatotoo sa pagsabi na “ang iyong kaibigan ay ang trend” at “huwag sumakay sa kabayo sa kabilang direksyon kung saan ito papunta”. Ikaw ay may magkakaroon ng mas matagumpay na pakikipagpalitan sa pamamagitan ng mga matagalang mga trend at pag-iwas sa mga mercado na walang malinaw na trend.

Kapag ang isang mananaliksik ay nakikita ang isang trend, ang kasunod na hakbang ay subukan na alamin kung ang gaano katagal ang trendo kailan ito matatapos upang mataya kung ito ay isang pagkakataon na makipagpalit. Ang ideya ay bumili sa pinakamababang presyo kapag ito ay pataas at ibenta ito sa pinakamataas na presyon kapag pababa ang trend.

Ang mga trend ay binubuo ng mga pagtaas at pagbaba sa hugis na zig-zag shape na tinatawag na lebel ng suporta at resistance. Ang lebel ng suporta ay ang presyo kung saan ang mga nakikipagpalit ay nais bumili ng isang asset, samantala ang lebel ng resistance ay ang presyo kung saan ay nais magbenta.

Ang mas matatandang lebel ay mas malakas kaysa sa mga bago at kapag ang lebel na ito ay nalampasan, maaari itong bumaliktad kung saan ang isang lumang lebel ng suporta ay nagiging bagong lebel ng resistance level at vice-versa.

suporta at resistance

Ano ang Pagsusuri na Multi-timeframe

Ang Teknikal na Pagsusuri  ay dapat ng tingnan mula sa maraming mga timeframes, mula sa isang buwanang tsart (kung saan ang bawat candlestick ay nagpapakita ng isang buwan) hanggang sa 1 oras. Ang mas mataas na tsart ng timeframe tulad ng lingguhan at buwanan ay maaaring magkumpirma ng isang malaking trend habang ang mas mababang tsart ng timeframe tuald ng arawan at 4 na oras ay maaaring magpakita ng mahusay na pagkakataon na pumasok.

Kalendaryong Ekonomiko ng Datos at Pagiiba-iba

Kalendaryong Ekonomiko ng Datos at Pagiiba-iba

Ang mga gobyerno at iba pang sektor sa buong mundo ay palaging sinusukat at inuulat ang datos at paglagong ekonomiko, at ang isang maaasahang kalendaryong ekonomiko ang isa sa pangunahing kagamitan ng isang nakikipagpalit.

Pagiiba-iba na nangyayari ng pares ng salapi tulad ng EUR/USD pagkatapos ang mga mahahalagang mga datos tungkol sa pagtatrabaho tulad ng mga US Non-farm payroll ay ideklara ay maaaring makagawa ng malalaking paggalaw ay mga agwat sa presyo.

Kung ang agwat ng presyo ay 50 pip for example, ibig sabihin nito sa loob ng buong 50-pip na ito ay walang liquidity at hindi ka makakaalis ng isang pakikipagpalitan o makakagawa ng bagong pakikipagpalitan sa panahon iyon.

Ang pakikipagpalitan sa panahon ng isang malaking balitang pang-ekonomiko o heopolitikal ay maaaring maging mapanganib. Ang mataas na pagiiba-iba ay maaaring mangyari ilang segundo pagkatapos ng mga balitang ito.

Bago ilabas ang mga ekonomikong datos, ang mga mananaliksik ay sumusubok na hulaan ang mga resulta at may isang pangkalahatang pagtataya na mabubuo. Kung ang datos ay napakahalaga at ang naiulat na halaga ay mas mattas kaysa sa mga pagtataya, tiyak na mataas ang pagkakataon ng pag-iiba-iba.

Matuto kung Paano Gamitin ang Kalendaryong Ekonomiko

Sa pagsisimula ng lingo ng pakikipagpalita, siguraduhin ang kalendaryong ekonomiko para sa mga mangyayari na mataas o katamtamang mga pangyayari gamit ang impact icon na katabi ng pangalan ng pangyayari. Ang mga pangyayari na mataas ang impact ay gumagamit ng pulang icon habang ang katamtamang impact na pangyayari ay gumagamit ng dalandan na icon.

Ang halaga ng “Impact” sa kalendaryo ay nagpapakita ng potensyal para sa pag-uulat na iyon na makagawa ng epekto sa mercado. Kung ang datos na inilabas sa isang ulat ekonomiko ay malakig ang pagkakaiba kaysa hinulaan o inaasahan, ang impact ay mararamdaman. Kung ang datos ay ayon sa inaasahan, ang ulat ay maaaring maliit o walang eperkto.

Ang mga nakikipagpalitan ay madalas na tinitingnan ang mga susunod na mga pangyayaring ekonomiko para sa dalawang dahilan. Ang una ay upang maiwasan ang mga bukas na pakikipalitan sa panahon na mataas ang pagiiba-iba. Ang ikalawa ay para magamit ang pagiiba-iba na ito para makakita ng magandang pagkakataon na makapasok o makalabas sa mga kasalukuyang pakikipagpalit.

Sa karamihan ng mga kalendaryong ekonomiko, makikita o ang mga mahahalagang number sa ibaba.

Halaga Noong Naraang Buwan – Ipinapakita ang mga resulta ng nakaraang buwan, na maaaring magbago dahil minsan ay ngnagkakaroon ng pagsasaayos sa susunod na buwan. Maaari itong magdulot ng pagiiba-iba.

Hula o Pinagkasunduang Halaga – Ipinapakita ang hula ayon sa pinagkasunduan ng mga mananaliksik na ekonomiko.

Aktwal na Halaga – Ipinapakita ang aktwal na halaga at maaaring magdulot ng pagiiba-iba kung may malaking pagkakaiba mula sa hinulaang halaga.

Impact – Ang tindi ng potensyal na epekto na ipinapaalam ng kulay ng icon na katabi pangalan ng pangyayari. Mataas ang impact kapag pula at dalandan naman kapag katatamang impact.

Tingnan nang madalas ang aming Kalendaryong Ekonomiko upang ikaw ay malay sa mga  mataas at katatamang impact na mga pangyayari.

Tipo ng Order sa Pakikipagpalitan na Makikita sa Forex

Tipo ng Order sa Pakikipagpalitan na Makikita sa Forex

Mga Order sa Merkado ay mga order na upang makabili o makabenta sa susunod na presyo na maaaru. Mabilis ang mga market orders; gayumpaman, ang susunod na presyo na maaari ay pwedeng iiba sa kasalkukyang presyo na nakikita ng nakikipagpalit, lalo na sa panahon na madalas ang pagiiba-iba. Ito ay tinatawag na slippage. Ang paglalagay ng mga market orders sa panahon ng pagiiba-iba o hindi pagiging liquid ay maaaring maging resulta ng mataas na slippage.

Mga Limitadong Order ay mga order upang makabili o makabenta sa isang ispesipikong o mas mabuting halaga. Hindi katulad ng mga order sa mercado ang mga ito ay nagbibigay ng buong control sa presyo. Kung ang presyo ng order ay hindi pa naaabot sa panahon ng paggawa ng order, ito ay hindi nagaganap.

Ano ang iba’t ibang Tipo ng mga Nakabinbing mga Order

Ang mga nabinbing mga order ay nakatalaga na maganap sa hinaharap kapag ang presyo ay umabot sa isang ispesipikong lebel. Maaari gumawa ng petsa ng pagtatapos nito o maging balido hanggang sa ikansela (good until cancelled o GTC). Ito ay ginagawa bilang mga limitadong order at ilang mga order sa merkado depende sa tipo nito.

Kuhain ang Tubo ito ay isang nakabinbin na limitadong order na magsasara kapag ang isang tumutubong pakikipagpalitan ay umabot sa isang tukoy na presyo.

Trailing stop ay isang nakabinbin na order na magsasara ng palitan ng ilang pip ang agwat mula sa pinakamataas na presyo na naabot.

Itigil ang Pagkalugi isang nakabinbin na order sa mercado na magsasara ng palitan sa susunod na ang presyo ay umabot sa palugi at ispesipikong halaga.

Tumigil – Bumili ay isang nakabinbin na order sa merkado na nakapuwesto sa ibabaw ng kasalukuyang presyo upang bumili kapag ang presyo ay tumaas mula rito.

Tumigil - Ibenta ay isang nakabinbin na order sa merkado na nakapuwesto sa ibabaw ng kasalukuyang presyo upang bumili kapag ang presyo ay bumaba mula rito.

Limitasyon sa Pagbili ay isang nakabinbin na limitadong order na inilalagay sa ibaba ng kasaukuyang presyo upang bumili kapag ang presyo ay bumaba mula rito.

Limitasyon sa Pagbenta ay isang nakabinbin na limitadong order na inilalagay sa ibaba ng kasaukuyang presyo upang bumili kapag ang presyo ay tumaas mula rito.

Itigil-Ilimita ito ay katulad ng mga order na tumigil sa itaas ngunit ito ay bilang isang limitadong order.

Ano ang mga Panganinb sas Pakikipagpalitan sa Forex

Ang pinakamalaking panganib para sa mga baguhang nakikipagpalit ay ang pakikipagpalitan nang walang sapat na kaalaman at karanasan at nagiging dahilan ito ng malalaking pagkatalo.

Ang paggamit ng mataas na leverage upang gumawa ng malalaking mga pakikipagpalitan ay maaaring umubis sa iyong account, o maging negatibo pa kung ang broker ay hindi nagbibigay ng proteksyon sa negatibong balance.

Dagdag pa rito, ang isang nakikipagpalit ay maaaring mawala sa negosyo at maaaaring mawala ang iyong puhunan kung walang seguro sa deposito mula sa regualator ng broker.

Ang MetaTrader Trading Platform

Ang MetaTrader Trading Platform

Ang MetaTrader ang isa sa pinakapopular na third-party na platform sa pakikipagpalitan sa forex at iniaalok sa karamihan sa mga brokers. Kumpleto ito sa mga tsart at ilang mga teknikal na paalala, binibigyan nito ang mga user ng madaling paraan para makipagpalitan sa forex at, depende sa broker, ay mga CFD sa mga share at index, kalakal at mga cryptocurrency.

Mga mga awtomatikong mga robot sa pakikipagpalitan na tinatawag na mga 'Expert Advisor', teknikal na paalala at script na maaaring mabuo sa MQL language editor gamit ang simpleng mga programming language tulad ng C++. Ang mga Expert Advisor ay maaaring magsuri ng mga datos na historical na presyo gamit ang isang tagasuri ng istratehiya.

Marami sa mga add-ons rito ay libre upang madownload o mabibili sa iba’s ibang mga website.

Ano ang pinakamahusay na oras upang makipagpalitan sa Forex

Ano ang pinakamahusay na oras upang makipagpalitan sa Forex

Ang 24-oras na merkado ng pandaigdigang forex ay maaaring igrupo sa 4 na sesyon sa pakikipagpalitan, ayon na rin sa mga oras na ang mga pangunahing mga sentro ng pinansiya  ay nagnenegosyo at nag-uulat ng ekonomikong datos.

  • North America - New York, USA
  • Asia - Tokyo, Japan
  • Asia-Pacific - Sydney, Australia
  • Europe - London, UK

Ang mga panahon ng mga mataas ang pakikipagpalitan, mabilis ang paggalaw ng mga presyo ay mga panahon na nagkakaroon ng pagkakataon at ang mga spreads ay nasa pinakamababa.

Ang pinakaaktibong panahon ng pakikipagpalitan ay kadalasan ang 4 na oras na magkasabay ang oras sa London at New York sa pagitan ng 8:00 - 12:00 oras sa New York, ito ang itinuturing na pinakamahusay na oras na makipagpalitan sa forex. Ang Sydney at Tokyo ay nagkakasabay rin sa pagitan ng 24:00-6:00 GMT.

Kung gusto mo pang malaman ang tungkol sa pinakamahusay at pinakamasamang paraan sa pakikipagpalitan, tingin ang aming artikulo na Ano ang Pinakamahusay na oras upang makipagpalitan sa Forex..

Paano Magbukas ng isang Demo Account sa Forex at Magsimulang Magsanay

Paano Magbukas ng isang Demo Account sa Forex at Magsimulang Magsanay

Ang isang demo trading account ay magbibigay-daan sa iyo na makapagsanay na makipagpalitan nang walang panganib na mawalan ka ng totoong pera. Ito ang pinakamahusay na paraan para sa mga baguhan na matuto ng mga batayang kaalaman, tulad ng kung paano gamitin ang platform, tamang posisyon ng laki, atbp.

Ang mga emosyon na kasama sa pakikipagpalitan gamit ang pera ay iba sa nagsasanay makipagpalitan, kung kaya kapag ang isang baguhan ay nagtapos na papunta sa pakikipagpalitan gamit ang totoong pera sila ay dapat na mag-ingat habang nagpapatuloy.

Upang makapagbukas ng demo account at magsimulang makapagsanay agad, tingin ang talahanayan sa ibaba para sa mga link sa ilan sa mga pinakapopular na mga broker sa buong mundo.

BrokerMga Magagamit na BansaMagbukas ng Account
IC Markets Forex Broker
IC Markets
Karamihan, maliban sa USALibreng demo na account

Live na account
XM Forex Broker
XM
Karamihan, maliban sa USALibreng demo na account

Live na account
IG USA Forex Broker
IG USA
USALibreng demo na account

Live na account

Paano Pumili ng Pinakamahusay na Broker ng Forex

May ilang mga malalaking salik sa pagpili ng bagong broker ng forex. Kasama na rito ang regulasyon at seguro sa deposito, presyo, pagsasagawa, at serbisyo sa kustomer.

Tingnan ang aming Listahan ng mga Broker ng Forex Brokers List Page at gamitin ang filter upang mahanap ang pinakamahusay na broker para sa iyo ayon sa halos lahat ng mga pamantayan tulad ng regulasyon, serguro sa deposito, proteksyon sa negatibong balance, leverage, presyo, marka ng user, account para sa cent, atbp. Maaari ka rin gumamit ng live chat o mag-email sa amin para sa karagdagang tulong.

Ang mga sumusunod na mga artikulo ay maaari ring makatulong sa pagpili ng pinakamahusay na broker:

Huling Konsiderasyon

Ang mga propesyunal na nakikipagpalit sa forex ay mga napakadisliplinadong mga tao na regulat na nakikipagpalit nang may panganib na hinaharap at may sinusunod na batas sa pamamahala ng pera.

Kahit na ang merkado ng FX ay nagpapakita ng pagkakataon na kumita nang malaki, dapat ay magdahan-dahan ka at magkaroon ng kinakailangang karanasan. Maging disiplinado at humingi ng payo sa mga nagsasarili na mga tagapayong pinansiyal kung kinakailangan.