Ano ang Teknikal na Pagsusuri
Ang Teknikal na Pagsusuri ay ang pag-aaral ng paggalaw ng presyo upang matukoy kung dapat bumili o magbenta ng asset at sa anong presyo.
Ito direktang ginagawa tsart ng presyo ng asset, sa tulong ng mga teknikal na pantukoy tulad ng RSI o MACD, o gamit ang iba pang mga kagamitan tulad ng support/resistance, mga Fibonacci retracement, o mga kombinasyon nito.
Ang mga matagumpay na nakikipagpalita ay nagpapatotoo sa pagsabi na “ang iyong kaibigan ay ang trend” at “huwag sumakay sa kabayo sa kabilang direksyon kung saan ito papunta”. Ikaw ay may magkakaroon ng mas matagumpay na pakikipagpalitan sa pamamagitan ng mga matagalang mga trend at pag-iwas sa mga mercado na walang malinaw na trend.
Kapag ang isang mananaliksik ay nakikita ang isang trend, ang kasunod na hakbang ay subukan na alamin kung ang gaano katagal ang trendo kailan ito matatapos upang mataya kung ito ay isang pagkakataon na makipagpalit. Ang ideya ay bumili sa pinakamababang presyo kapag ito ay pataas at ibenta ito sa pinakamataas na presyon kapag pababa ang trend.
Ang mga trend ay binubuo ng mga pagtaas at pagbaba sa hugis na zig-zag shape na tinatawag na lebel ng suporta at resistance. Ang lebel ng suporta ay ang presyo kung saan ang mga nakikipagpalit ay nais bumili ng isang asset, samantala ang lebel ng resistance ay ang presyo kung saan ay nais magbenta.
Ang mas matatandang lebel ay mas malakas kaysa sa mga bago at kapag ang lebel na ito ay nalampasan, maaari itong bumaliktad kung saan ang isang lumang lebel ng suporta ay nagiging bagong lebel ng resistance level at vice-versa.
Ano ang Pagsusuri na Multi-timeframe
Ang Teknikal na Pagsusuri ay dapat ng tingnan mula sa maraming mga timeframes, mula sa isang buwanang tsart (kung saan ang bawat candlestick ay nagpapakita ng isang buwan) hanggang sa 1 oras. Ang mas mataas na tsart ng timeframe tulad ng lingguhan at buwanan ay maaaring magkumpirma ng isang malaking trend habang ang mas mababang tsart ng timeframe tuald ng arawan at 4 na oras ay maaaring magpakita ng mahusay na pagkakataon na pumasok.