Ano ang mga Pares ng Salapi

Ang isang pares ng salapi ay ang pagpapares ng dalawang magkaibang salapi, tulad ng Euro at dolyar ng Estados Unidos, nakasulat bilang EUR/USD.

Ang mga nakikipagpalit na bumibili ng EUR/USD ay humuhula na ang halaga ng Euro ay tataas kumpara sa dolyar. Ang mga nakikipagpalit na nagbebenta ng EUR/USD ay humuhula na ang halaga ng dolyar ay tataas kumpara sa Euro.

Ano ang Pangunahin, Minor at Eksotikong Pares ng Salapi

Ang mga Pangunahing Pares ng Salapi ay ang mga pinakamadalas ipinagpapalit sa mundo, at ang EUR/USD ang pinakapopular sa lahat.

Ang 7 pangunahing pares ng salapi ay: 

ParesSalapiPalayaw
EUR/USD Euro (€) vs. US dollar ($)Fiber
USD/JPYUS dollar ($) vs. Japanese yen (¥)Gopher
GBP/USDBritish pound (£) vs. US dollar ($)Cable
USD/CHFUS dollar ($) vs. Swiss francSwissie
AUD/USDAustralian dollar (A$) vs. US dollar ($)Aussie
USD/CADUS dollar ($) vs. Canadian dollar (C$)Loonie
NZD/USDNew Zealand dollar (NZ$) vs. US dollar ($)Kiwi

Ang mga Minor na Pares ng Salapi ay ang mga hindi masyadong popular kumpara sa mga pangunahing pares ng salapit at hindi kasama ang dollar (USD). Ang halimbawa ng minor na pare ay ang EUR/CHF at GBP/JPY. Ang mga minor na pares ng salapi ay medyo liquid ngunit hindi katulad ng mga pangunahing pares ng salapi.

Ang mga Eksotikong Pares ng Salapi ay ang salapi ng isang bansang may umuunlad na ekonomoya tulad ng USD/RUB (Russian Ruble) o USD/MXN (Mexican Peso). Ang mga eksotikong pares ay labis na paiba-iba at mas mababa ang pagiging liquid kumpara sa mga minor kaya nagreresulta ito ng mataas na gastos sa transaksyon.

Subukan ang calculator ng kita upang malaman ang mga pares ng salapi at mga potensyal na kumita o malugi.

RebateKingFX - Calculator ng Kita sa Forex
 
Mangyaring maglagay ng tamang numero